Biyahe sa ilang pantalan, unti-unti nang bumabalik

By Angellic Jordan September 26, 2022 - 10:07 AM

PPA Facebook photo

Unti-unti nang bumabalik ang mga biyahe sa ilang pantalan sa bansa matapos ang pananalasa ng Bagyong Karding, ayon sa Philippine Ports Authority (PPA).

Balik-normal na ang biyahe sa mga sumusunod:
1. PMO Batangas
2. PMO Marinduque/Quezon
3. PMO Bicol (maliban sa TMO Camarines)
4. South Harbor
5. PMO Mindoro (maliban sa Abra de Ilog)

Binuksan na rin ang vessel, yard, at gate operations ng Manila South Harbor Container Terminal dakong 9:00 ng umaga.

Bandang 8:00 ng umaga naman binuksan ang Manila International Container Terminal (MICT) para sa import single transactions at import laden drop off.

Inaasahang magbabalik sa normal ang buong operasyon ng MICT bandang 1:00 ng hapon.

Samantala, balik-operasyon na rin ang Manila North Harbor dakong 9:00 ng umaga maliban lamang sa passage operations dahil hindi pa binabawi ang suspension order ng mga biyahe mula rito.

Tiniyak ng PPA na walang naiulat na anumang pinsala sa mga pasilidad ng pantalan ang naturang bagyo.

Siniguro ng ahensya at iba pang sektor ng maritima ng pamahalaan na maayos, ligtas, affordable at mabilis ang serbisyo ng mga pantalan, lalo na pagkagaling sa isang kalamidad.

TAGS: #KardingPH, InquirerNews, ppa, RadyoInquirerNews, #KardingPH, InquirerNews, ppa, RadyoInquirerNews

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.