PBBM, U.S. Pres. Biden napag-usapan din ang isyu sa South China Sea

By Radyo Inquirer On-Line News Team September 23, 2022 - 01:47 PM

Isa ang South China Sea sa mga tinalakay sa unang bilateral meeting nina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos at United States of America President Joe Biden sa sideline ng 77th United Nations General Assembly sa New York.

Nagkasundo ang dalawang lider na suportahan ang freedom of navigation and overflight at idaan sa mapayapang pamamaraan ang anumang disputes o hindi pagkakasundo.

Tiniyak din ni Biden kay Marcos na mananatili ang ironclad na suporta ng Amerika sa Pilipinas sa usapin sa depensa.

Mahalaga kasi aniya ang alyansa ng dalawang bansa.

Tinalakay din ng dalawang lider ang mga oportunidad sa pagpapalawig sa bilateral cooperation gaya ng energy security, climate action, at infrastructure.

Tinalakay din nina Marcos at Biden ang giyera sa pagitan ng Russia at Ukraine at ang implikasyon nito sa presyo ng enerhiya at food security.

Napag-usapan din ng dalawa ang usapin sa ASEAN, pati na ang krisis sa Burma at pagbibigay halaga sa karapatang pangtao.

TAGS: BBM, Ferdinand Marcos Jr., InquirerNews, joe biden, PBBM, RadyoInquirerNews, South China Sea, usa, BBM, Ferdinand Marcos Jr., InquirerNews, joe biden, PBBM, RadyoInquirerNews, South China Sea, usa

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.