Bulacan woman trader dinipensahan ang sarili sa mga maling alegasyon
Pinabulaanan ng isang babaeng negosyante ang alegasyon na nagpapanggap siyang kawani ng isang senador sa kanyang mga transaksyon.
Sa pahayag ni Dina Joson sa Radyo Inquirer Online, sinabi nito na ang kaso ay matagal nang nabasura sa korte.
Pinatunayan niya ito sa pamamagitan ng resolusyon ni Judge Grace Ruiz, ng Malolos RTC Branch 22, na nailabas noon pang 2017.
“I came forward now because my public image has been tarnished and the credibility that I built for so long has been affected,” diin ni Joson.
Dagdag pa niya, nagagamit laban sa kanya ngayon ang isyu para maging pangit ang kanyang imahe sa publiko.
“I never pretended to be a staff member inside the office of a senator to procure money from them. Those are false accusations and have no sufficient or any evidence at all,” paglilinaw pa nito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.