Japan inanunsiyo ang pagbawi sa COVID 19 restrictions sa mga banyaga

By Jan Escosio September 23, 2022 - 09:32 AM

PDI PHOTO

Babawiin na ng gobyerno ng Japan ang mga mahihigpit na COVID 19 restrictions sa mga banyaga na gustong bumisita sa kanilang bansa.

Inanunsiyo ito ni Japanese Prime Minister Fumio Kishida sa New York Stock Exchange.

Binanggit ni Kishida sa kanyang mensahe na lubhang naapektuhan ng pandemya ang galaw ng mga tao at produkto, na malaking tulong sa kanilang ekonomiya.

Sinabi pa ng opisyal na ang kanilang COVID 19 restrictions, na mahigit dalawang taon na ipinatupad, sa foreign tourists ay hanggang darating na Oktubre 10 na lamang.

“Japan will relax border control measures to be on par with the US, as well as resume visa-free travel and individual travel,” ayon pa kay Kishida, na kabilang sa mga world leaders na nasa New York City para sa United National General Assembly.

Una na rin nag-anunsiyo ng katulad na hakbang si Premier Su Tseng-chang sa pamamagitan ni Cabinet spokesman Lo Ping-cheng.

TAGS: COVID-19, Japan, kishida, UN, COVID-19, Japan, kishida, UN

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.