Suplay ng bigas, sapat na sapat – Sen. Imee Marcos

By Jan Escosio September 21, 2022 - 01:44 PM

Senate PRIB photo

Hindi na kailangang mag-angkat pa ng bigas ang Pilipinas hanggang sa susunod na taon dahil sobra pa ang suplay sa pangangailangan sa bansa.

Sinabi ito ni Sen. Imee Marcos at aniya, hindi na kailangan pang magbigay ng import permits.

“The Department of Agriculture has no reason to call for any more rice imports which will only push down farmgate prices of palay. Our farmers are doing a great job producing more than ample domestic supply,” sabi ng senadora.

Binanggit pa nito na base sa Rice Supply Outlook ng Department of Agriculture (DA), wala ng sanitary at phytosanitary import clearances na pagbabasehan ng pag-aangkat pa ng bigas.

Paliwanag ni Marcos, sa inaasahang 5.13 milyong metriko tonelada ng bigas na aanihin sa ikatlong bahagi ng taon at higit pa sa pangangailangan na 3.7 milyong metriko tonelada.

Bunga nito may buffer stock pa na 1.43 milyong metriko tonelada sa pagtatapos ng kasalukuyang buwan.

Sinabi ni Marcos na sa pagtatapos ng taon, lulobo sa 3.65 milyong metriko tonelada ang ‘rice buffer stock’ na tatagal ng hanggang 60 araw o hanggang sa unang linggo ng buwan ng Marso.

TAGS: Bigas, Imee Marcos, InquirerNews, RadyoInquirerNews, Senate, Bigas, Imee Marcos, InquirerNews, RadyoInquirerNews, Senate

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.