Asian hate crimes, racism itigil na – PBBM

By Radyo Inquirer On-Line News Team September 21, 2022 - 09:24 AM

Photo credit: Pres. Bongbong Marcos/Facebook

Umapela si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na itigil na ang Asian hate crimes at racism.

Sa talumpati ng Pangulo sa high level general debate sa 77th United Nations General Assembly sa New York, sinabi nito na dapat magkaroon ng patas na international system.

Umaasa ang Pangulo na ang naturang sistema ay pantay na maipatupad lalo na sa mga vulnerable sector sa lipunan gaya ng mga nasa marginalized sector, migrants at refugees.

Nasaksihan naman aniya ng buong mundo ang naging konyribusyon ng mga migrants sa pagtugon sa pandemya sa COVID-19.

Ayon sa Pangulo, marami ang umaasang matutuldukan na ang hate crimes at racism dahil lubos nang nakababahala ito.

Inihalimbawa pa ng Pangulo ang joint program ng Pilipinas at United Nations kaugnay sa human rights kung saan naging kapaki-pakinabang ito sa lahat sa pamamagitan ng pagsasantabi sa pulitika at isinentro ang kapakanan ng tao.

Si Pangulong Marcos ang unang lider sa Association of Southeast Asian Nations na nag salita sa UNGA.

TAGS: Asian hate, BBM, BBM admin, InquirerNews, RadyoInquirerNews, Asian hate, BBM, BBM admin, InquirerNews, RadyoInquirerNews

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.