‘Sex raps’ ng PNP – IAS chief, ipinaubaya na sa Ombudsman
Pinabayaan na ng pambansang pulisya sa Office of the Ombudsman ang sexual harassment case ng namumuno sa PNP – Internal Affairs Service (IAS).
Ayon kay PNP Chief Rodolfo Azurin Jr., naisampa na ang kaso laban kay IAS Inspector Gen. Alfegar Triambulo kung kayat hihintayin na lamang nila ang desisyon ng Ombudsman.
Ngunit aniya kakausapin niya si Triambulo para alamin naman ang panig ukol sa reklamo sa kanya ng isa sa kanyang mga babaeng kawani.
Hindi na rin aniya kailangang imbestigahan nila ang reklamo.
Samantala, sa pagdepensa ni Triambulo, iginiit niya na ‘demolition job’ ang kasong isinampa laban sa kanya.
Aniya lumapit na ang biktima sa Office of the Chief PNP, gayundin sa National Police Commission (Napolcom) ngunit walang nangyari.
Dagdag pa ni Triambulo, nakarating na rin sa Malakanyang ang reklamo at ukol dito, sinabi ni Azurin na hahayaan na niya ang Palasyon na magdesisyon dahil ang Office of the President ang nagtalaga sa inirereklamong opisyal.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.