Bicol solon itinutulak ang pagsubasta sa ‘sugar import permits’
Naniniwala si Albay Representative Joey Salceda na may paraan upang matapos na ang kartel sa industriya ng asukal sa bansa.
Iminungkahi ni Salceda na idaan na lang sa subasta ang pagbibigay ng sugar import permit, na sa kanyang palagay ay magbibigay pa ng kita sa gobyerno.
“We could impose an auction system that could conservatively generate almost P5 billion in additional annual revenues for sugar sector development, just on PBBMs allowed 150,000 metric tons of imports,” ayon sa mambabatas.
Sa ngayon, ang sugar import permit ay ibinibigay ng Sugar Regulatory Administration (SRA) sa licensed importers.
Paliwanag ni Salceda, sa umiiral na sistema ngayon, nadedahado nang husto ang mga magsasaka.
Sa pamamagitan naman ng auction system, magkakaroon ng pantay na pagkakataon ang lahat ng mga nais mag-negosyo ng asukal kayat mawawakasan na ang mga kartel.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.