Lugar para sa thanksgiving party ni Duterte deklaradong no-fly zone

By Den Macaranas June 04, 2016 - 05:56 PM

Duterte supporters in Luneta. PHOTO BY MARIANNE BERMUDEZ
PHOTO BY MARIANNE BERMUDEZ

Epektibo kaninang alas-tres ng hapon ay idineklara na bilang no-fly zone ang ibabaw ng Crocodile Farm sa Davao City kung saan ay kasalukuyang ginaganap ang thanksgiving party ni incoming President Rodrigo Duterte.

Nangangahulugan ito na bawal lumipad sa lugar ang mga eroplano, chopper pati na ang mga unmanned aerial vehicles tulad ng drone.

Bukod sa mga tauhan ng Philippine National Police at Armed Forces of the Philippines, naka-kalat na rin sa lugar para sa seguridad ng publiko ang ilang mga tauhan ng Presidential Security Group (PSG).

Inaasahang hindi bababa sa 200,000 katao ang pupunta sa venue na binuksan kaninang ala-una ng hapon.

Bukod sa mga kilalang celebrities, nakatakda ring magpakita ng kanilang talents ang ilang mga singers, banda at mga dance groups mula sa Davao City at iba pang lugar sa Mindanao.

Magiging highlight ng kasiyahan ang pagsasalita ni Duterte sa  publiko mamayang alas-diyes ng gabi.

TAGS: crocodile farm, Davao City, duterte, No fly zone, crocodile farm, Davao City, duterte, No fly zone

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.