Sen. JV Ejercito ibinunyag ang paggamit ng ‘aliens’ ng pagkakilanlan ng mga patay

By Jan Escosio September 15, 2022 - 08:20 PM

OSJVE PHOTO

Inilantad ni Senator JV Ejercito ang modus ng ilang banyaga na nagpupunta sa Pilipinas na gamitin ang ‘pagkatao’ ng mga patay sa pagkuha ng government-issued IDs sa bansa.

Ginawa ito ni Ejercito sa pagdinig ng Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs kaugnay sa mga serye ng pagkawala at pagdukot sa ilang indibiduwal.

“PNP, please take note of that. We will confirm pero alam ko na nangyayari ‘to. Marami nang mga foreign nationals, in particular, mga mainland Chinese na pumasok dito, who are using identities of dead persons so that they can avail of rights and be considered as Filipino citizens,” pakiusap ni Ejercito.

Sa pagkumpirma ni Immigration OIC Deputy Comm. Fortunato Manahan Jr., sa pagbubunyag ng senador, sinabi nito na marami nang napalayas ng bansa na mga banyaga dahil sa paggamit ng pekeng passports, birth at marriage certificates.

“May mga cases and incidents po kaming na-intercept sa airports and sa community. Napapadeport po naming ang mga ‘yun,” ang pagbabahagi pa ni Manahan Jr.

Unang inihain ni Ejercito ang Senate Resolution No. 194 sa layon na maimbestigahan sa Senado ang nakaka-alarma ng mga kaso ng pagdukot, kidnapping at pagkawala ng ilang babae, POGO workers at Filipino-Chinese.

TAGS: Kidnapping, POGO, Kidnapping, POGO

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.