Pangulong Marcos humirit sa BTA na isulong ang kapakanan ng Bangsamoro

By Chona Yu September 15, 2022 - 03:25 PM

Photo credit: Pres. Bongbong Marcos/Facebook

Tiniyak ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na tuloy ang suporta ng kanyang administrasyon sa peace process sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.

Sa talumpati ng Pangulo sa inaugural session ng Bangsamoro Transition Authority sa Cotabato City, hinimok nito ang BTA na magpasa ng mahahalagang panukalang batas na magsusulong ng kapakanan ng mga Bangsamoro.

Maari aniyang gamitin ang P74.4 bilyong panukalang budget para sa taong 2023 sa pagbibigay serbisyo sa mga resident eng BARMM.

Mahalaga rin aniya na matuloy ang eleksyon sa BARMM sa taong 2025.

Nais din ng Pangulo na magkaroon ng mga panukalang batas na magsusulong ng agri-fishery, healthcare, transportation, communication, digital infrastructure at e-governance sa BARMM.

TAGS: BARMM, Ferdinand Marcos Jr., news, Radyo Inquirer, BARMM, Ferdinand Marcos Jr., news, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.