Mobile manufacturers, distributors at dealers inatasang turuan ang kanilang buyers sa kung paano makaiiwas sa text scams

By Chona Yu September 15, 2022 - 12:40 PM
Inatasan ng National Telecommunications Commission (NTC) ang mga mobile phone manufacturers, distributors at dealers na ituro sa mga mobile phone users ang pag-iwas sa text scams. Sa memorandum order ng NTC, maliban sa pagtuturo sa kung paano gamitin ang bagong biling mobile phones, ang mga distributors at dealers ay inaatasang ituro din sa mga cellphone buyers kung paano sila makaiiwas sa mga scam na ipinadadala sa pamamagitan ng text. Nakasaad sa nilagaan Memorandum Order No. 14 ni NTC Commissioner Gamaliel Cordoba na dapat ipatupad ng mga mobile phone manufacturers, distributors at dealers ang sumusunod na mga hakbang: 1. Pagtuturo sa mga mobile phone users kung paanong i-block ang mga text na galing sa mobile numbers na wala sa kanilang contact lists at kung paanong lumikha ng spam folder sa kanilang inbox. Maaring ipalaganap ang nasabing impormasyon sa pamamagitan ng websites ng mga mobile phone manufacturer maging sa kanilang social media accounts. 2. Ang mga mobile phone manufacturers, distributors at dealers ay dapat maglagay ng posters sa kanilang physical stores na nagsasaad ng impormasyon sa paggamit o pag-activate ng text blocking, spam folder at iba pang kahalintulad na features sa kanilang cellphones. 3. Ang mga mobile phone manufacturers, distributors at dealers ay inaatasang maglagay ng leaflets sa package ng mga bagong mobile phones na naglalaman ng impormasyon hinggil sa paggamit ng text blocking, spam folder at iba pang kahalintulad na features. Iniutos ng NTC ang agarang pagpapatupad ng memorandum order sa loob ng 15 araw. Sa ipinatawag na industry-wide meeting ng NTC kamakailan, sinabi ng mga kinatawan mula sa mobile phone manufacturers, distributors at dealers na ang kanilang mga ibinebentang cellphones ay mayroong features na kayang magbigay proteksyon laban sa text scams, gaya na lamang ng pag-block sa mga unknown numbers at pag-divert ng mensahe sa spam folders.

TAGS: news, NTC, Radyo Inquirer, text scam, news, NTC, Radyo Inquirer, text scam

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.