Pagpapatayo ng school libraries, dapat nang ituloy – Rep. Recto
Nasa ika-79 pwesto ang Pilipinas sa usapin ng kakayahan ng mga mag-aaral na makabasa base sa 2018 Programme for International Student Assessment by the Organization for Economic Cooperation and Development.
Ito ang pangunahing dahilan ni Batangas Rep. Ralph Recto sa panawagan nitong simulan muli ang naudlot na pagpatayo ng library sa mga paaralan.
Inihalintulad niya ang paaralan na walang silid-aklatan sa swimming pool na walang tubig at aniya, matagal nang naka-‘bakasyon’ sa national budget ang pagpapatayo ng school library.
Huling napasama ang pondo para sa pagpapatayo ng school libraries sa budget ng Deparment of Education (DepEd) noong 2014.
Hiling niya na sa pambansang pondo sa susunod na taon ay magkakaroon na muli ng pondo para naman sa mga silid-aklatan.
“Kung totoong 900,000 enrollees ang bagong lipat from private to public schools, ‘yan pa lang 22,500 dagdag na rooms na ang kailangan,” ayon sa House deputy speaker.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.