#IndayPH, lumakas pa at isa nang severe tropical storm
Lumakas pa ang binabatayang Bagyong Inday at isa nang severe tropical storm bandang 8:00, Biyernes ng umaga.
Ayon sa PAGASA, huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 800 kilometers Silangan ng Aparri, Cagayan dakong 10:00 ng umaga.
Taglay na nito ang lakas ng hanging aabot sa 95 kilometers per hour malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 115 kilometers per hour.
Kumikilos ang bagyo sa direksyong pa-Hilagang Kanluran sa bilis na 20 kilometers per hour.
Sinabi ng weather bureau na maliban sa rain showers dulot ng trough nito, mababa ang tsansa na magdala ng malakas na ulan ang naturang bagyo sa anumang parte ng bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.