Sen. Imee Marcos, inusisa sa DFA ang pagkansela ng visa-free entry ng Filipino sa Taiwan
Sa pag-aalala sa mga Filipino, inusisa ni Senator Imee Marcos ang Department of Foreign Affairs (DFA) ang dahilan ng pagsuspindi ng Taiwan sa visa-free entry sa mga Filipino at sa mga mamamayan ng 11 pang bansa.
Ginawa ni Marcos ang pagtatanong sa organizational meeting ng pinamumunuan niyang Senate Committee on Foreign Relations.
Ayon kay Foreign Affairs Undersecretary Henry Bensurto Jr., hindi rin nila alam ang dahilan dahil ang isyu ay sakop ng Manila Economic and Cultural Office (MECO).
Nangako naman ito sa sarili nilang pamamaraan ay aalamin nila ang dahilan ng Taiwan sa ginawang hakbang.
Maari lamang makapasok sa Taiwan ang mga Filipino kung magpapakita ng pruweba ng kanilang tutuluyan at pera na panggastos sa kanilang pamamasyal.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.