784 million spam, scam text messages naharang ng Globe

By Jan Escosio September 07, 2022 - 11:57 AM

Humigit-kumulang 784 milyong spam at scam text messages ang naharang ng Globe Telecom mula sa unang buwan ng taon hanggang nitong Hulyo.

Kasabay nito, ang pag-deactivate sa 14,058 mobile numbers na ginagamit sa panloloko at may na-blacklist pa ng 8,973.

“Mayroon kaming koordinasyon sa mga partner namin sa industriya para maprotektahan ang publiko sa ganitong mga scam. Tuloy-tuloy din ang awareness drive namin para masiguro na ang aming mga kostumer ay hindi magiging biktima ng mga malisyosong aktibidad na ito na para bang personal silang kilala,” pahayag ni Anton Bonifacio, Chief Information Security Officer ng Globe

Kasabay nito ang paalala ng Globe sa mobile phone users na mag-ingat ngayon laganap ang mga panloloko sa pamamagitan ng text messages sa mga nagpapakilalang lehitimong organisasyon.

Pinuna ng kompaniya na sa bagong modus ngayon, nakalagay na ang buong pangalangan ng mga pinadadalhan ng scam at spam texts na nag-aalok ng trabaho at premyo.

Mayroong 24/7 na operasyon ang Globe para malabanan ang scam at spam messages sa pamamagitan ng mga mga filter para maharang ang mga kahina-hinalang pinanggagalingan ng mga mensahe gaya ng mga numero at domain na ginagamit sa nasabing modus.
“Hangga’t may mga tao na naniniwala at nagpapadaya sa mga alok na ito, hindi titigil ang mga text scam. Hinihikayat namin ang publiko na mag-ingat. Huwag i-click ang mga link o magbigay ng personal na impormasyon sa mga nagpapadala ng mga kahina-hinalang text messages mula sa ‘di kilalang numero. Huwag din basta-basta maniwala sa mga alok na papremyo at trabaho,” ani Bonifacio.

TAGS: scam, spam, text message, scam, spam, text message

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.