‘Recycled sexual offenders’ ipagbawal sa ibang paaralan bilin ni Sen. Risa Hontiveros

By Jan Escosio September 07, 2022 - 10:08 AM

Sinabi ni Senator Risa Hontiveros na dapat ay ipagbawal na sa pagtuturo sa mga paaralan sa bansa ang mga guro na inireklamo ng sexual offense.

“Nakakabahala na yung mga tinanggal o nag-resign na guro dahil sa pang-aabuso at harassment sa isang school, ay pwede lang mag-turo ulit sa ibang paaralan. Wala tayong nalutas na problema kung hinahayaan nating palipat-lipat lang ang mga abuser. Sexual predators should never be allowed to be around children,” aniya.

Ibinahagi ni Hontiveros na may isang dating guro sa St. Theresa’s College sa Quezon City na nagbitiw noong 2016 ay nakapagturo sa Angeles University Foundation noong 2019 bago muli itong umalis.

Aniya ang mga naging biktima ng naturangn guro ay pare-parehong nagreklamo na sila ay nakaranas ng ‘sexual advances’ at nabatid na ang naturang titser ay nakalipat muli sa isang eskuwelahan.

“Ilan pa ang mga guro na may mga kaso na pala ng pang-aabuso at karahasan pero imbes na tunay na managot ay nag-iiba lang ng eskwelahan? Ilang mga estudyante na ang nabiktima dahil dito? Predators should get more than a slap on the wrist,’ diin ng namumuno sa Senate Committee on Women and Children.

Puna ni Hontiveros walang polisiya na nagbabawal sa ‘sexual predators’ na magpalipat-lipat lamang ng eskuwelahan na pagtuturuan.

TAGS: children, schools, sexual abuse, children, schools, sexual abuse

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.