P400B halaga ng investments nasungkit ni PBBM Jr., sa Indonesia visit
Umabot sa halos USD 8.5 bilyon o P400 bilyon halaga ng investments ang naiuwi ni Pangulong Marcos Jr. sa kanyang state visit sa Indonesia.
Pagbabahagi ni Press Sec. Trixie Angeles bunga ito ng Jakarta Business Roundtable Meeting ni Pangulong Marcos Jr sa mga Indonesian investors.
Ayon kay Angeles, kabilang sa mga nalagdaan ang $822 million investments sa textiles, garments, renewable energy, satellite gateway, wire global technology, at agri-food.
Aabot naman sa $7 billion investments ang nakuha sa infrastructure para sa unsolicited private-public partnerships gaya ng C-5 4-level elevated expressway.
Nasa $662 million naman na trade value para sa supply ng coal at fertilizer.
Tinatayang lilikha ng 7,000 bagong trabaho sa mga gagawing pamumuhunan ng Indonesian businessmen.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.