Opersyon ng militar laban sa Maute group, tigil muna para sa Ramadan

By Kathleen Betina Aenlle June 04, 2016 - 04:38 AM

Lanao-del-Sur-maute richel v umelPansamantala munang ititigil ng mga militar ang mga operasyon laban sa maute group para bigyang daan ang pag-gunita ng mga Muslim sa Ramadan.

Posible nang mag-simula ang fasting ng mga Muslim sa Linggo o Lunes, depende sa buwan.

Ayon kay Army 103rd Infantry Brigade commander Col. Roseller Murillo, 37 na ang nasawi sa kanilang mga operasyon laban sa Maute group na lokal na bersyon ng Khilafah Islamiya Movement (KIM).

Nitong Biyernes lamang aniya ay nakubkob na ng mga militar ang Camp Darul Iman sa Barangay Sandab, na dating gamit ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) na napunta sa Maute group.

Nilisan ng MILF ang nasabing kampo upang magbigay daan sa malawakang operasyon ng mga militar, ngunit sinamantala ito ng Maute at ginamit ito sa kanilang mga pag-atake.

Doon nasamsam ng mga military ang ilang mga improvised explosive devices, at isang bandera na katulad ng ginagamit ng Islamic State of Iraq and Syria (ISIS).

Bagaman pansamantalang ititigil ng mga militar ang kanilang operasyon, sinabi ni Murillo na patuloy pa rin nilang babantayan ang grupo.

Hindi rin aniya sila magda-dalawang isip na muling umatake sakaling may gawin na namang mga krimen ang Maute group, kahit pa kasagsagan ng Ramadan.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.