PBBM, humingi ng saklolo sa Indonesia para palakasin ang sektor ng pangingisda sa bansa
Humingi na ng saklolo sa Indonesia si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. para palakasin ang sektor ng pangingisda sa bansa.
Sa press conference sa Indonesia, sinabi ng Pangulo na hindi niya kasi matanggap na mag-aangkat ng Pilipinas ng galunggong.
Ayon sa Pangulo, kaya siya nagpapatulong sa Indonesia dahil matibay ang kanilang sektor ng pangingisda.
“Pati ‘yung nagpatulong ako sa fisheries, kasi obsessed ako doon sa Pilipinas nag-iimport ng galunggong eh. Hindi ko talaga matanggap ‘yan eh,” pahayag ng Pangulo.
“So I asked for help because matibay ang fisheries nila. So sabi ko we can exchange delegations,” dagdag ng Pangulo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.