Bagyong Henry, palabas na ng bansa; Batanes nasa Signal Number 1 na lamang

By Chona Yu September 03, 2022 - 05:23 PM

Napanatili ng Bagyong Henry ang lakas habang kumikilos patungo sa east ng Taiwan.

Ayon sa 5:00 p.m. advisory ng Pagasa, namataan ang sentro ng bagyo sa 460 kilometers northeast ng Itbayat, Batanes.

Taglay ng bagyo ang hangin na 150 kilometro kada oras at pagbugso na 185 kilometro kada oras.

Ibinaba na ng Pagasa sa Tropical Cyclone Wind Signal Number 1 ang Batanes.

Nasa Signal Number 1 pa rin ang northeastern portion ng babuyan Islands partikular na ang Balintang Islands, Calayan Islands, Babuyan Islands, Camiguin Islands at Didicas Islands.

Makararanas ng mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan ang Batanes at Babuyan Islands.

Inaasahang lalabas sa Philippine Area of Responsibility ang bagyo mamayang gabi.

TAGS: Babuyan islands, Bagyo, batanes, henry, news, Pagasa, Radyo Inquirer, Babuyan islands, Bagyo, batanes, henry, news, Pagasa, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.