P3.00 bawas sa gasolina, ipatutupad sa susunod na linggo

By Chona Yu September 03, 2022 - 10:34 AM

Magandang balita para sa mga motorist. Ito ay dahil sa magpapatupad ng rollback o bawas presyo sa produktong petrolyo sa susunod na linggo.

Ayon sa abiso ng mga kompanya ng langis, bababa ng P2.60 hanggang P3.00 ang presyo ng gasolina kada litro.

Mababawasan naman ng P1.60 hanggang P1.90 ang presyo ng diesel kada litro.

Nasa P1.55 hanggang P1.85 naman ang ibababa sa presyo ng kerosene kada litro.

Magiging epektibo ang bagong presyo sa produktong petrolyo sa Martes, Setyembre 6.

 

TAGS: gasolina, news, Radyo Inquirer, rollback, gasolina, news, Radyo Inquirer, rollback

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.