#HenryPH humina pa; Signal no. 2 nakataas na sa Batanes

By Angellic Jordan September 02, 2022 - 11:27 AM

DOST PAGASA satellite image

Humina pa ang Typhoon Henry habang kumikilos sa Philippine Sea.

Ayon sa PAGASA, huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 365 kilometers Silangan Hilagang-Silangan ng Itbayat, Batanes bandang 10:00, Biyernes ng umaga.

Taglay na nito ang lahat ng hanging aabot sa 165 kilometers per hour malapit sa gitna at pagbugsong 205 kilometers per hour.

Mabagal na kumikilos pa-Hilagang Kanluran ang bagyo.

Bunsod nito, nakataas sa tropical cyclone wind signal 2 ang Batanes habang signal no. 1 naman ang Babuyan Islands at ang northeastern portion ng mainland Cagayan (Santa Ana).

Sa araw ng Biyernes, ibinabala ng weather bureau ang katamtaman hanggang mabigat na buhos ng ulan sa Ilocos Region, Batanes, Babuyan Islands, Apayao, at Abra. Mahina hanggang sa katamtaman na kung minsan ay malakas na pag-ulan naman ang posibleng maranasan sa Cagayan.

Samantala, sa susunod na 24 oras, magpapaulan ang Southwest Monsoon o Habagat sa Isabela, western portion ng Central Luzon, at nalalabing parte ng Cordillera Administrative Region.

Ayon sa PAGASA, patuloy na hihina ang bagyo sa susunod na 12 oras at saka muling lalakas sa Sabado ng umaga, September 3, kasabay ng pagkilos nito pa-Hilaga.

Base sa forecast track, maaring lumabas ng Philippine Area of Responsibility ang bagyo sa Sabado ng gabi o Linggo ng umaga.

TAGS: habagat, HenryPH, InquirerNews, Pagasa, RadyoInquirerNews, southwest monsoon, habagat, HenryPH, InquirerNews, Pagasa, RadyoInquirerNews, southwest monsoon

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.