Publiko pinagbilinan ng PNP na dedmahin ang ‘spam text messages’
Nagpapatuloy ang ‘spam text messages’ at ayon sa pambansang pulisya patuloy lang din na balewalain ang mga ito ng publiko.
Sinabi ni PNP-Anti Cybercrime Group (ACG) spokesman, Lt. Michelle Sabino, kumakalat pa rin ang ‘spam messages’ dahil may mga mobile phone users ang sumusunod sa mga utos sa mensahe.
“Ang mga scammers, fraudsters, they send out messages in bulk, so random siya, whoever gets affected o who would respond, yun ang nagiging victim,” paliwanag ni Sabino.
Aniya ang mabisang panlaban sa mga ganitong modus ay ang pagpaparehistro ng SIM cards.
Ipinaliwanag din ni Sabino na sa isinusulong na sa SIM Card Registration Act, hindi nito nito malalabag ang ‘right to privacy’ ng subscriber.
Ito, ayon sa opisyal, ay magsisilbing ‘extra layer of protection’ ng subscriber laban sa mga modus na ikinakasa sa pamamagitan ng cellphone.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.