Mas mahigpit na ‘screening process’ sa OFWs’ employers inihirit

By Jan Escosio September 01, 2022 - 09:23 AM

Pinahihigpitan ni Senator Raffy Tulfo sa Department of Migrant Workers (DMW) at iba pang kinauukulang ahensiya na higpitan ang ‘screening process’ sa mga papasukang banyaga ng overseas Filipino workers (OFWs).

Ito, ayon kay Tulfo, para maiwasan ang pang-aabuso at pangma-maltrato sa OFWs.

Sa pinamunuan niyang organizational meeting ng Senate Committee on Migrant Workers, sinabi ni Tulfo na maraming OFWs ang naabuso dahil hindi lubos na nasasala ang kanilang amo.

“Bago ma-deploy ang isang OFW sa ibang bansa ay dumadaan siya sa butas ng karayom. Kailangan niyang mag-submit ng ibat-ibang requirements at clearance. Pero yung kanyang among pupuntahan ay wala man lang isusumiteng kahit anong record na nagpapakita kung anong klaseng tao siya o may police o court record ba siya. Nothing!’ diin ni Tulfo.

Hiniling ng senador kay Migrant Workers Sec. Susan Ople na dapat may mahigpit na screening process sa foreign employers para matiyak ang kaligtasan ng OFWs.

Inihirit din ni Tulfo kay Ople na magkaroon ng monitoring system sa mga bansa para mapigilan ang ‘bentahan’ ng OFWs, na hindi pinapasuweldo ng kanilang mga amo.

TAGS: DMW, OFWs, DMW, OFWs

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.