Makalipas ang hatinggabi kanina ay bumaba muli ang halaga ng liquified petroleum gas (LPG) o ‘cooking gas.’
Nabawasan ng P1.75 ang halaga ng kada kilo ng household LPG ng Petron at ganito rin ang tinapyas ng Phoenix Petroleum.
Ang dalawang kompaniya, inanunsiyo ang pagbaba ng halaga ng kanilang auto LPG, P0.98 kada litro sa Petron at P0.95 naman sa Phoenix.
Ala-6 ngayon umaga, P1.62 kada kilo ang nabawas sa LPG ng Solane.
Ayon sa Petron ang price rollback ay base sa international contract price ng LPG ngayon buwan ng Setyembre.
Una nang bumaba ang halaga ng cooking gas sa apat na magkakasunod na buwan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.