Sen. Sonny Angara may pangako sa mga kabataan na hirap makahanap ng trabaho
Ipinangako ni Senator Sonny Angara na hahanapan ng solusyon ang hirap ng mga kabataan na makahanap ng trabaho, gayundin ang underemployment.
Sinabi nito na lubhang naapektuhan ang mga kabataan ng pandemya dahil sa limitasyon sa kanilang mga galaw kayat nahirapan silang makahanap ng trabaho.
Base sa Labor Force Survey noong nakaraang Hunyo na isinagawa ng Philippine Statistics Authority (PSA), ang unemployment rate sa mga kabataan ay 11.8 porsiyento o 854,000 na may edad 15 hanggang 24 ang walang trabaho.
Bagamat mababa na ito sa naitalang 14.5 porsiyento noong nakaraang taon, maituturing pa rin itong mataas.
Aniya kailangan malaman ang mga dahilan ng hirap na makahanap ng trabaho ang mga kabataan kahit ngayon nagsisimula nang sumigla muli ang ekonomiya ng bansa.
May mga batas, ayon pa kay Angara, na dapat ay nakakatulong sa mga kabataan sa paghahanap ng trabaho at binanggit nito ang RA 10917 o ang Expanded Special Program for the Employment of Students at RA 11261 o ang First Time Jobseekers Program.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.