MMDA, nagpakalat ng dagdag na traffic enforcers kasunod ng inilabas na TRO sa NCAP

By Chona Yu August 31, 2022 - 03:07 PM

Nagpakalat ng dagdag na traffic enforcers ang Metro Manila Development Authority (MMDA) sa mga pangunahing lansangan.

Ito ay matapos magpalabas ng temporary restraining order ang Supreme Court sa no contact apprehension program.

Ayon kay MMDA spokesman Cris Saruca, partikular na dadagdagan ng traffic enforcers ang kahabaan ng EDSA, C5 Road, Commonwealth Avenue, Quezon Avenue, Roxas Boulevard, at Macapagal Boulevard.

Ayon kay Saruca, ang mga nabanggit na lugar ang may mga nakakabit na CCTV at ipinatutupad ang NCAP.

Base sa talaan ng MMDA, pumalo sa mahigit 107,000 violations ang naitala mula Enero hanggang Agosto 2022 mula ng ipatupad ang NCAP.

TAGS: edsa, InquirerNews, mmda, no contact apprehension program, RadyoInquirerNews, Supreme Court, edsa, InquirerNews, mmda, no contact apprehension program, RadyoInquirerNews, Supreme Court

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.