Libreng shower, gupit at pagkain, alok ng isang organisasyon sa mga palaboy
(Courtesy: CBCP News)
Nag-aalok ng libreng shower, gupit at pagkain ang Kawanis International and Catholic charity groups community ng Sant’Egidio and Josefheim Foundation.
Ayon sa ulat ng CBCP News, magsisimulang mag-ikot sa susunod na buwan ang naturang organisasyon sa ibat-ibang bahagi ng Metro Manila para bigyang tulong ang mga homeless o palaboy sa kalsada.
Ayon kay Fr. Dari Dioquino, Josefheim Foundation coordinator, target ng kanilang hanay na simulang tulungan ang mga homeless sa Marcos Highway sa Marikina sa September 8.
May mga volunteer aniya na mga doktor at nurse.
Kung papayag aniya ang mga homeless na sumama, ililipat sila sa Pililia, Rizal para ma-rehabilitate at mabigyan ng pangkabuhayan.
Bibigyan aniya sila ng tahanan, pagkain at tuturuang magtaning ng ibat-ibang uro ng gulay.
“The goal is not only to offer them a free haircut, shower, and food but importantly to rehabilitate them and provide them livelihood,” pahayag ni Dioquino.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.