DSWD, naglaan ng P4.4-M halaga ng ayuda para sa mga lugar na tinamaan ng #FloritaPH

By Chona Yu August 25, 2022 - 05:49 PM

DSWD Region II photo

Aabot sa P4.4 milyong halaga ng ayuda ang naipamahagi na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga biktima ng Bagyong Florita.

Ayon kay DSWD Secretary Erwin Tulfo, kabilang sa mga ipinamahagi ang food at non-food items.

Nasa P3.1 milyong halaga ang naipamahagi sa Region II habang ang natira ay ibinigay sa mga residenteng naapektuhan sa Regions I, III, Calabarzon at Cordillera Administrative Region (CAR).

Tinutulungan din ng DSWD ang local government units sa pagtugon ng pangangailangan ng evacuees.

Nabatid na nasa 669 na pamilya o 2,057 na indibidwal ang nanatili pa sa 36 evacuation centers sa Regions I, II, III, National Capital Region, at CAR.

TAGS: dswd, Erwin Tulfo, FloritaPH, InquirerNews, RadyoInquirerNews, dswd, Erwin Tulfo, FloritaPH, InquirerNews, RadyoInquirerNews

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.