Lisensya ng drayber na bumangga sa isang security guard sa Mandaluyong, ni-revoke ng LTO
Ni-revoke na ng Land Transportation Office (LTO) ang non-professional driver’s license ni Jose Antonio Sanvicente, ang drayber ng SUV na nag-viral sa social media matapos sadyang sagaan ang isang security guard sa isang mall sa Mandaluyong City.
Ayon sa pahayag ng LTO, natapos na ng kanilang hanay ang pagdinig sa kasong administratibo laban kay Sanvicente.
Napatunayan ng LTO na guilty sa kasong reckless driving and Duty of Driver in case of Accident si Sanvicente.
Dahil dito, napagpasyahan ng ahensya na i-revoke ang lisensya ni Sanvicente.
“Perpetually disqualified” na rin si Sanvicente sa pagkuha ng lisensya at pagmaneho ng motor vehicle.
Sa ngayon, hawak na ng LTO’s Intelligence and Investigation Division (IID) ang lisensya ni Sanvicente.
Ipinauubaya naman ng LTO sa korte sa bansa ang pagpapasyaa sa kasong kriminal na isinampa laban kay Sanvicente.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.