Magkaribal na Congressmen parehong binasted-Wacky Lekas ni Den Macaranas
Sabay na nanligaw sa isang mambabatas ang dalawang kongresista na bida sa ating kwento ngayong araw.
Kaya lang ay maaga ring natigil ang kumpetisyon pagitan nh dalawang chickboy dahil pareho silang binasted ni Madam.
Sinabi ng ating Cricket na GGSS o Guwapong-Guwapo Sa Sarili itong si partlist Congressman na naunang pumorma sa ilang babaeng reporters sa Kamara.
Pero dahil sa kanyang angking kahambugan ay walang sumeseryoso dito kay Sir.
Noong 2013 nang una niyang makita sa Kamara ang isang bagitong Congresswoman ay kaagad din niya itong pinormahan.
Pero dahil mataas ang standard ng lady solon na ngayon ay mas lalo pang sumikat kaya nauwi rin sa kangkungan ang ginawang pagdiskarte ni Cong.
Noong mga panahon na nanliligaw si partlist Cong. ay umaaligid na rin kay Madam ang isa pang bigotilyong mambabatas na mula sa isang lungsod dito sa Metro Manila.
Pero kakaiba daw ang diskarte ni Metro Manila solon dahil ang una nitong niligawan ay ang mga anak ni Congresswoman.
Mabait ito sa mga anak ni Madam pero siyempre kahit kailan ay hindi niya mapapalitan sa puso ng mga bata ang namatay nilang ama na isa ring mahusay na lingkod-bayan.
Hindi lang sa loob ng Kamara kundi maging sa labas ng sesyon ay naging masugid na manliligaw ang dalawang mga Kongresista pero talagang sarado na raw sa pag-ibig ang ulilang puso ni Madam.
Kaya kahit anong gawin ng dalawa nating mga barako ay wala itong dating sa kanilang nililiyag.
At dahil pareho naman silang na basted kaya nanatili na lamang silang magkaibigan dahil pareho naman silang talunan sa panunuyo sa kanilang kasamahang mambabatas.
Ang mga Kongresista na magkaribal sa pag-ibig pero sabay na nabasted ay sina Cong. R…as in Reseta na isang Partylist Congressman.
Ang kanyang bigotilyong karibal ay si Cong. B….as in Bola na mula sa isang lungsod dito sa Metro Manila
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.