Don’t ‘f***’ with me!
Ito ang paulit-ulit na katagang namutawi sa bibig ni Presdent-elect Rodrigo Duterte sa kanyang pagharap muli sa mga mamamahayag kagabi sa Davao City.
Sa unang bahagi pa lamang ng kanyang press conference, napag-tuunan ng susunod na Pangulo ng bansa ang isyu ng pagbanat sa kanya ng Simbahan na kanyang muling tinawag na ipokrito.
Sumunod na dito ang pagbatikos ni Duterte sa mga negatibong reaksyon nang kanyang bansagan bilang corrupt ang ilang media sa bansa.
Hinamon ni Duterte ang mga media na ituloy ang panawagan ng ilang foreign media group na siya ay i-bokyot.
“Magboycott kayo. Make this trip your last in Davao City. I’m telling all the networks, do not come here, I do not need you. Hamon ng incoming president.
Giit ni Duterte, walang problema kung sakaling hindi siya i-cover ng national media dahil mayroon namang state media na tututok sa kanyang mga galaw.
Hinaluan pa ng maaanghang na salita ni Duterte ang kanyang hamon sa mga mamamahayag na ituloy ang boycott o kung hindi ay bababa ang tingin niya sa mga ito.
Kill journalism in this country. Stop journalism in this country, if you are worth your salt. If not, then I will think lowly of you. It would mean that you are like cowards,” pahayag pa ni Duterte.
“Do not threaten me. I’m ready to lose the presidency, my honor, my life. Just do not f*** with me.” Makailang ulit na nasambit ni Duterte sa kasagsagan ng kanyang press conference.
Gayunman, sa huling bahagi ng kanyang press conference, nilinaw ni Duterte ang nasabing statement sa pagsasabing kanyang pinakitaan ng respeto ang lahat ng mga miyembro ng media.
Paliwanag pa nito sinagot niya lamang ang isang tanong hinggil sa media boycott.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.