Bagyong #FloritaPH maaring umabot sa tropical storm category sa susunod na 36 oras

By Angellic Jordan August 21, 2022 - 12:30 PM

Hindi pa direktang nakakaapekto ang Tropical Depression Florita sa anumang parte ng bansa, ayon sa PAGASA.

Sa Tropical Cyclone Bulletin no. 1, sinabi ng weather bureau na walang pang lugar na nakataas sa tropical cyclone wind signal.

Ngunit, maari anilang magsimulang maranasan ang mahina hanggang katamtaman na kung minsan ay mabigat na pag-ulan sa eastern sections ng Northern at Central Luzon simula Lunes ng madaling-araw, Agosto 22.

Ayon sa PAGASA, maaring bumagal ang pagkilos ng bagyo sa direksyong Timog-Kanluran sa susunod na 12 oras.

Base pa sa forecast track, posibleng mag-landfall ang bagyo sa bisinidad ng Cagayan o northern portion ng Isabela sa Martes ng umaga o hapon, Agosto 23.

Sinabi pa ng weather bureau na maaring umabot sa tropical storm category ang bagyo sa susunod na 36 oras.

Kasunod nito, pinaaalerto ng PAGASA ang publiko at disaster risk reduction and management offices na maghanda sa posibleng idulot na pananalasa ng sama ng panahon.

TAGS: #weatheradvisory, FloritaPH, InquirerNews, Pagasa, RadyoInquirerNews, weatherupdate, #weatheradvisory, FloritaPH, InquirerNews, Pagasa, RadyoInquirerNews, weatherupdate

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.