Panel binuo ng LTO para aralin ang no contact apprehension policy
Bumuo ang Land Transportation Office (LTO) ng Technical Working Group (TWG) para pag-usapan ang mga isyu at panukala kaugnay sa no contact apprehension policy (NCAP).
Ang hakbang ay alinsunod sa direktiba ni LTO Chief Teofilo Guadiz III.
Mag-uusap na ang mga bumubuo sa TWG ukol sa mga panukala bago ang kanilang pakiipagpulong sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at mga lokal na pamahalaan.
Una naman nang ibinahagi ni LTO – National Capital Region Dir. Clarence Guinto na nakipag-usap na sila sa mga kinauukulang opsiyal, gayundin sa ilang transport groups ukol sa isyu.
Aniya, masusundan din ang paunang pulong.
Umaasa rin ang ahensiya na ang mapapagkasunduang guidelines ay patas at katanggap-tanggap sa lahat.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.