Pangulong Marcos ipinauubaya na sa Kongreso, Senado ang pag-iimbestiga sa inangkat na asukal
Ipinauubaya na ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa House of Representatives at sa Senado ang pag-iimbestigaa sa kontrobersyal na pag-angkat ng 300,000 metrikong tonelada ng asukal.
Sa ambush interview sa PinasLakas Vaccination Program saa SM Manila, sinabi ng Pangulo na higit niyang pinagtutuunan ng pansin ang suplay ng asukal sa merkado.
“Actually, ipinaubaya namin ang imbestigasyon sa House, sa legislature and even the Senate. Dahil ang iniintindi ko lang talaga is that hindi tayo tumagal na mayroon tayong shortage ng sugar, lalong-lalo na para sa mga industrial consumer. ‘Yung mga gumagawa ng soda, ng mga drinks, pati na ‘yung mga sa pagkain, all of the outlets na ganoon. Ayaw natin maipit ‘yun,” dagdag ng Pangulo.
“Because right now, they are starting to cut down the days of the week na nagtatrabaho and we are very worried of course about jobs. So ‘yun ang iniintindi ko talaga right now,” pahayag ng Pangulo.
Una nang sinabi ni Press Secretary Beatrix “Trixie” Cruz-Angeles na walang awtorisasyon mula sa Pangulo ang pag-angkat ng asukal.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.