Nakatakdang magpakawala ng tubig ngayon araw ang Magat Dam bilang bahagi ng paghahanda sa malakas na pagbuhos ng ulan dulot ng ‘habagat’ o southwest monsoon.
Base sa inilabas na pahayag ng National Irrigation Administration, alas-2 mamayang hapon bubuksan ang isang gate ng Magat Dam.
Inaasahan na aabot sa 200 cubic meters per second ang pakakawalan na tubig.
Nilinaw ng NIA – Magat River Integrated Irrigation System na ang dami ng pakakawalan na tubig ay depende sa magiging pag-ulan sa Magat Watershed.
Nabatid na patuloy ang pagtaas ng antas ng tubig sa Magat Dam dahil sa habagat.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.