Las Piñas kinilala ng PNP na ‘Safe City’ sa Metro Manila

By Jan Escosio August 17, 2022 - 08:08 AM

LAS PIÑAS CITY PIO PHOTO

Iginawad ng pambansang pulisya sa Las Piñas City ang pagkilala bilang ‘Safe City’ sa Metro Manila.

Ibinigay ang pagkilala kasabay nang pagdiriwang ng ika-121st Police Service Anniversary sa Hinirang Hall sa NCRPO Camp Bagong Diwa sa Taguig City.

Ibinigay ni Las Piñas City police chief, Lt. Col. Jaime Santos ang Plaque of Recognition kay Mayor Imelda Aguilar, na agad naman kinilala ang pagsusumikap ng mga pulis ng kanilang lungsod.

Sinabi ni Aguilar, ang natanggap na parangal ay testamento ng mga ginagawang hakbang ng kanilang pulis na maibaba ang ‘crime volume’ sa kanilang lungsod. na gawing ligtas ang kanilang lungsod.

Bukod pa dito, ang kanilang lokal na puwersa ng pulisya ang nakapagtala ng pinakamataas na bilang ng mga naarestong suspek sa ibat-ibang krimen.

“Ipinagmamalaki ko ang ating Police Las Piñas at nagawa nila ang ating lungsod na maging ‘Safe City’ sa buong NCR at binabati ko rin si Col. Jaime Santos at ang ating mga kapulisan na nagpapanatili ng kaligtasan sa ating lungsod,” ani Aguilar.

Dagdag pa ng opisyal ang presensiya ng mga pulis sa mga pampublikong lugar, gayundin ang pagsasagawa ng checkpoints katuwang ang mga barangay ang mga pangunahing dahilan kayat natanggap nila ang pagkilala mula sa PNP.

TAGS: Las Piñas City, NCRPO, safe city, Las Piñas City, NCRPO, safe city

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.