Tatlong pulis huli sa kotong, mga kabaro sa presinto nadamay
Inaresto ng mga tauhan ng Philippine National Police – Integrity Monitoring and Enforcement Group (PNP -IMEG) ang tatlo nilang kabaro dahil sa umano’y pangongotong sa tumutubos ng kinumpsikang motorsiklo.
Kinilala ang tatlo na sina Staf Sgt. Erwin Licuasen, Cpl. Chimber Rey Importa at Pat. Leopoldo Tuason, pawang nakatalaga sa Paco Police Community Precint.
Inireklamo sila ng tricycle operator na si Frederick Alba.
Na-impound ang tricycle ni Alba dahil sa paglabag sa batas-trapiko at pagmamaneho ng walang lisensiya ng kanyang driver.
Nagkasa ang PNP – IMEG ng entrapment operation sa loob mismo ng presinto ang hinuli ang tatlong pulis nang tanggapin ang P2,000 kapalit ng pagpapalabas ng tricycle ni Alba.
Bunga ng pangyayari, nadamay ang mga kasamahan ng tatlong pulis sa presinto at inalis na rin sila sa puwesto.
Iimbestigahan ang tatlo ng PNP – Internal Affairs Service (IAS) at sila ay nasa opisina na ng PNP – IMEG sa Camp Crame.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.