Halos 20M Filipino ang mahirap noong 2021- PSA

By Jan Escosio August 16, 2022 - 09:13 AM

May 19.99 milyong indibiduwal o 18.1 porsiyento ng populasyon ng bansa, ang mahirap noong nakaraang taon, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA).

Ito ay mataas kumpara sa 17.67 milyon o 16.7 porsiyento na naitala noong 2018.

Sa usapin naman ng pamilya, 3.5 milyong o 13.2 porsiyento ng kabuuang bilang ng pamilya sa bansa ang mahirap noong 2021.

Nangangahulugan na hindi nila inabot ang dapat na buwanang budget na P12,030 para sa kanilang pagkain at mga pangunahing pangangailangan.

Nangangailangan ang isang pamilyang Filipino, na may limang miyembro, ng P8,379 kada buwan para lamang sa kanilang pagkain.

Nabatid na 6.55 milyong Filipino ang kinapos maging para sa kanilang pagkain.

TAGS: news, poor, psa, Radyo Inquirer, news, poor, psa, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.