(Courtesy: Department of Agriculture)
Aabot sa P2 milyong halaga ng multi-cultivators at power sprayers ang ibinigay ng Department of Agriculture sa 40 kooperatiba ng mga magsasaka sa Arayat, Pampanga.
Ayon kay Gerald Glenn Panganiban, director ng DA- High Value Crops Development Program (HVCDP), layunin ng programa na mapalago at maparami pa ang ani ng mga magsasaka sa pamamagitan ng mga makabagong teknolohiya.
Pagtitiyak ni Panganiban, sa pangunguna ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., patuloy na susuportahan ng pamahalaan ang sektor ng agrikultura at pangingisda.
Nagpapasalamat si Panganiban sa mga magsasaka dahil sa mahalagang kontribusyon sa lipunan para makamit ang food security ng bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.