27 na dating miyembro ng NPA, sumuko

By Chona Yu August 13, 2022 - 11:04 AM

Aabot sa 27 dating miyembro ng New People’s Army ang sumuko at nagbalik loob sa pamahalaan sa Pagadian City.

May mga armas din na isinuko ang mga rebelde.

Ayon kay Interior Secretary Benhur Abalos, agad na binigyan ng ayuda ng pamahalaan ang mga sumukong rebelde.

Nasa P3.6 milyong financial assistance ang ibinigay sa mga rebelde sa pamamagitan ng DILG-administered Enhanced Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP).

“Today, we have saved another 27 of our fellow Filipinos from the perils of terrorism. Maligayang pagbabalik sa ating mga kababayan na niloko at sinamantala ng mga totoong kalaban ng bansa. Hangad namin na ang araw na ito ay ang simula ng inyong pamumuhay ng may kapayapaan,” pahayag ni Abalos.

Nabatid na sa 27 na sumukong rebelde, 17 ang galing sa Zamboanga del Norte, 4 sa Zamboanga Sibugay at 6 sa Zamboanga del Sur.

Sa kabuuan, as of July 31, 2022, nasa 8,889 na rebelde na ang sumuko simula nang mag-umpisa ang E-CLIP.

Sa ilalim ng E-CLIP, bibigyan ang dating rebelde ng P15,000 na cash assistance at P50,000 na livelihood assistance.

 

TAGS: benhur abalos, news, NPA, Radyo Inquirer, benhur abalos, news, NPA, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.