Pilipinas, nananatiling ‘low-risk’ sa COVID-19
Nasa low-risk case classification pa rin ang Pilipinas pagsdating sa mga naitatalang kaso ng COVID-19.
Sa COVID-19 media forum, sinabi ni Department of Health (DOH) Officer-in-Charge Maria Rosario Vergeire na sa kabila ito ng pagtaas ng intensive care units (ICU) admission, at severe at critical cases ng nakahahawang sakit.
Ani Vergeire, mula sa dating 26 porsyento, tumaas sa 28 porsyento ang ICU utilization rate sa bansa.
Naobserbahan din aniya sa mga datos simula noong Hulyo ang “steady uptrend” sa ICU admission sa mga severe and critical COVID-19 cases.
Saad ng DOH official, halos pareho ang bilang ng ICU at severe and critical cases sa level ng admission noong nakaraang Marso.
Base sa datos hanggang Agosto 10, may kabuuang 871 871 severe and critical COVID-19 cases, kung kaya’t tumaas sa 9.27 porsyento ang total admissions.
Karamihan sa admissions ay asymptomatic (40.98 porsyento) at mild cases (40.77 porsyento).
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.