Kampanya kontra ilegal na droga, tuloy sa administrasyong Marcos. Jr.

By Chona Yu August 11, 2022 - 03:29 PM

Photo credit: Pres. Bongbong Marcos/Facebook

Tuloy ang kampanya ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. kontra sa ilegal na droga.

Pero ayon kay Press Secretary Beatrix “Trixie” Cruz-Angeles, kinakailangang naka-angkla at naayon sa batas ang gagawing operasyon ng Philippine National Police (PNP).

Sinabi pa ni Angeles na malaki ang tiwala ng Pangulo sa bagong talagang PNP chief na si General Rodolfo Azurin Jr.

“Tuloy po ang campaign laban sa illegal na droga at pinagkakatiwalaan niya ang kaniyang Chief PNP na mag-set ng polisiya at direktiba ukol dito. Inilibas naman po ni Chief PNP na tuluy-tuloy ang kanilang operasyon and they will be compliant with the law pursuant to this,” pahayag ni Angeles.

Matatandaang naging madugo ang operasyon ng ilegal na droga noong panahon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Base sa talaan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), nasa mahigit 6,000 drug suspects ang napatay sa operasyon.

Nakasuhan na rin si dating Pangulong Duterte sa International Criminal Court (ICC) dahil nauwi na umano sa crimes against humanity ang kanyang anti-drug war campaign.

TAGS: Anti-drug war, BBM, BBMadmin, InquirerNews, RadyoInquirerNews, trixie angeles, Anti-drug war, BBM, BBMadmin, InquirerNews, RadyoInquirerNews, trixie angeles

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.