PPPs, lilikha ng mga trabaho at magpapasigla sa ekonomiya – Sen. Angara

By Jan Escosio August 11, 2022 - 11:35 AM

SENATE PRIB PHOTO

Kumpiyansa si Senator Sonny Angara na kapag naikasa ng tama, malaking tulong ang public-private partnerships (PPPs) sa mga lokal na pamahalaan, gayundin sa pribadong sektor.

Tiwala ito na makakalikha ng maraming trabaho at makakapagpasigla ng ekonomiya ang PPPs.

Kaugnay ito ng pagsuporta ng senador sa panawagan ni Pangulong Marcos Jr. na magkaisa ang mga LGUs at private sector sa pagpapabuti ng mga proyekto na pakikinabangan ng mga mamamayan.

Dagdag pa ng namumuno sa Senate Committee on Finance, ang PPP ay isang magandang paraan ngayong panahon na ang koleksyon ng gobyerno ay mababa at ang ekonomiya ay patuloy pang bumabangon mula sa epekto ng COVID-19 pandemic.

Bininigay halimbawa pa ng senador ang 25 taong lease agreement ng isang pribadong kompaniya sa pamahalaang-lungsod ng Iloilo para sa redevelopment ng dalawang palengke na pakikinabangan ng nasa 2,800 markets vendors.

Ang nasabing proyekto ay pinaglaanan ng private sector ng P3 billion habang ang pangangasiwa dito ay mananatili naman sa LGU sa ilalim ng Local Economic Enterprise Office.

TAGS: LGUs, Public-Private Partnership, LGUs, Public-Private Partnership

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.