PBBM Jr., pinulong ang DTI officials para sa tulong sa mga magsasaka

By Chona Yu August 11, 2022 - 10:23 AM

Pinulong sa Malakanyang ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. ang mga opisyal ng Department of Trade and Industry (DTI), araw ng Miyerkules.

Ito ay para ilatag ang mga programa para mapataas ang produksyon ng mga magsasaka sa bansa.

Nais din ng Pangulo na matiyak na magiging abot-kaya ang presyo ng abono sa mga magsasaka.

Target ng Punong Ehekutibo na sa ilalim ng kanyang administrasyon ay magkakaroon ng food security ang bansa.

“Hangad natin na maging masigla muli ang sektor ng agrikultura kaya’t nakipagpulong tayo kay Kalihim Alfredo Pascual ng Kagawaran ng Kalakalan at Industriya upang siguraduhin ang mas abot-kayang presyo ng abono o pataba na gamit ng ating mga magsasak,” pahayag ng Pangulo.

TAGS: Abono, dti, food security, magsasaka, Abono, dti, food security, magsasaka

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.