Migrant Workers Department hiningian ni Sen. Bong Go ng contingency plan sa China-Taiwan tension

By Jan Escosio August 11, 2022 - 10:10 AM

Nababahala si Senator Christopher Go na lumala pa ang tensyon sa pagitan ng China at Taiwan kayat hiniling nito sa Department of Migrant Workers (DMW) na maglatag na ng contingency plan.

Ang hirit ni Go ay para matiyak ang kaligtasan ng mga overseas Filipino workers hindi lamang sa China at Taiwan kundi sa mga bansa sa Timog Silangang Asya.

Bukod sa contingency plan, sinabi ng senador, dapay ay may assistance at reintegration programs na rin para sa OFWs ang naturang kagawaran.

Sa kabilang banda, umaasa pa rin si Go na magiging mahinahon ang mga gobyerno ng China at Taiwan at agad na huhupa ang tensyon.

Nag-ugat ang tensyon sa pagdalaw sa Taiwan ni US House Speaker Nancy Pelosi na hindi nagustuhan ng China.

TAGS: China, OFWs, Taiwan, China, OFWs, Taiwan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.