Senado may three-week lockdown, mga bisita bawal muna
Hindi na muna tatanggap ng mga bisita sa Mataas na Kapulungan ng Kongreso.
Sinabi ni Senate President Juan Miguel Zubiri na ito ay ipapatupad simula sa Lunes, Agosto 15 at tatagal ng tatlong linggo.
Aniya nagbunsod ito sa patuloy na pagtaas ng bilang ng mga nahahawa ng COVID 19 sa bansa.
Paglilinaw naman niya makakapasok sa Senado ang resource persons sa mga pagdinig ng ibat-ibang komite ngunit kailangan ay may negatibo silang resulta ng RT-PCR o rapid antigen tests.
Ang ibang resource persons ay maari pa rin humarap ‘virtually’ sa mga pagdinig.
Nabatid na ang bawat senador naman na dadalo sa mga pagdinig ay maaring magsama lamang ng dalawa sa kanilang staff.
Sa loob ng isang linggo tatlong senador ang nagka-COVID, una si Sen. Alan Peter Cayetano, sumunod si Sen. Imee Marcos at huli si Sen. Cynthia Villar.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.