Filipino athletics legend Lydia de Vega, pumanaw na sa edad na 57
Namayapa na ang minsa’y tinaguriang ‘Asia’s Sprint Queen’ na si Lydia de Vega sa edad na 57.
Inanunsiyo ng kanyang anak na si Stephanie ang pagyao ni dela Vega sa Makati Medical Center, Miyerkules ng gabi (Agosto 10).
“She fought the very good fight and is now at peace,” sabi ng nakakabatang dela Vega.
Dagdag pa nito, “I would wholeheartedly appreciate your prayers for the soul of my mother.”
Noon lamang nakaraang Hulyo 20, inanunsiyo rin ni Stephanie na ang kanyang ina ay nasa ‘very critical condition’ dahil sa stage 4 breast cancer.
Huling nakita sa publiko si dela Vega sa pagbubukas ng ika-30 SEA Games sa bansa, kung saan kabilang siya sa flag bearers, sa Philippine Arena.
Namayagpag nang husto si dela Vega noong dekada ’80 at ilang taon nitong hinawakan ang korona sa 100-meter dash event sa Asian Games.
Lumahok din siya sa 1984 at 1988 Olympics bago nagretiro noong 1994.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.