P43.3-M medical, burial assistance naiproseso na ng OVP

By Angellic Jordan August 10, 2022 - 04:07 PM

Photo credit: City Government of Davao/Facebook

Naiproseso na ng Office of Vice President Sara Duterte-Carpio ang P43,303,489.70 na kabuuang halaga ng medical at burial assistance program.

Simula ito nang manungkulan si Duterte bilang bise presidente noong Hulyo 1.

Ayon kay Vice presidential spokesperson at Atty. Reynold Munsayac, aabot sa P12,009,255.55 ang nai-release sa mga kwalipikadong benepisyaryo mula sa lahat ng OVP satellite offices at NCR office.

“Medyo magandang numero ho ito sa isang period na mahigit isang buwan lang,” pahayag ni Munsayac sa OVP at Department of Education Joint Press Conference, Miyerkules ng umaga (Agosto 10).

Noong Agosto 3, sinabi ni Munsayac na inilunsad na ang “Peak Hours Augmentation Bus Service (PHABS) – Libreng Sakay.”

Sa unang limang araw ng naturang programa, 7,764 pasahero na ang nakapag-avail ng libreng serbisyo.

Dagdag nito, marami ring pasahero ang naserbisyuhan ng dalawang bus na nakalaan sa Metro Manila; 3,528 pasahero sa NCR Bus 1, habang 3,089 pasahero sa NCR Bus 2.

“So iisipin niyo po, ‘yung ganyang kadaming pasahero, eh malaki po yung naging katipiran nila sa gastos sa kanilang pagpunta sa kanilang trabaho,” ani Munsayac.

Saad pa nito, “Instead na gastusin pa nila sa pamasahe ay magagamit po nila sa ibang mga bagay na mas importante.”

Umiikot ang mga bus ng OVP Libreng Sakay Program sa ilang parte ng Luzon, Visayas, at Mindanao, dalawa sa NCR, at tig-iisa sa Cebu City, Bacolod at Davao City.

TAGS: InquirerNews, libreng sakay, OVP, OVP Libreng Sakay, RadyoInquirerNews, InquirerNews, libreng sakay, OVP, OVP Libreng Sakay, RadyoInquirerNews

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.